What's on TV

WATCH: Aubrey Miles, ibinahagi ang kuwento ng kanilang modern family

By Maine Aquino
Published March 5, 2018 7:22 PM PHT
Updated March 5, 2018 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu landfill landslide victims now all accounted for with last missing body found
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Inilahad ng fitness guru na si Aubrey Miles ang kanilang modern family story kay Regine Velasquez-Alcasid noong March 3 sa 'Sarap Diva.'

Ipinaliwanag ni Aubrey Miles kung paano naging maayos ang kanilang pagbuo ng modern family ni Troy Montero. 

Inilahad ng fitness guru ang kanilang family story kay Regine Velasquez-Alcasid noong March 3 sa Sarap Diva. Ayon kay Aubrey, 10 years ago nang makilala ni Troy ang kanyang panganay na anak sa kanyang dating non-showbiz partner. Ang kanyang panganay ay si John Maurie Obligacion.

 

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on

 

"Noong una siguro mga 10 years ago na nakilala niya si Maurie, panganay namin. 'Yung dad hindi pa talaga agree na titira sa amin nang matagal," bahagi niya.

Tulad ng ibang pamilya ay hindi naging madali ang kanilang simula dahil hindi pa kampante ang ex-partner ni Aubrey kay Troy. Sa huli ay naipaliwanag din ni Maurie sa kanyang ama na maayos makisama sa kanilang mag-ina si Troy.

Kuwento ni Aubrey, "After a while parang 'yung panganay ko sabi, dad you know Cody's (Tunay na pangalan ni Troy; Cody Andrew Garabato Miller III ) good. You don't worry about it. Nung kasi two weeks, two weeks agreement namin ngayon nasa akin na siya."

Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwentuhan with Regine: