
Get ready to dream, believe, and survive sa season 7 ng StarStruck!
Ngayong June 15 ay muling magbabalik sa telebisyon ang original reality-based artista search at excited na ang hosts na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
READ: 'StarStruck' season 7 hopefuls, ipapakita ni Kyline Alcantara sa 'Inside StarStruck'
Kuwento ni Dingdong, "As a host, gusto ko nasu-surprise rin ako sa kung ano mang ihahanda ng show sa paparating na Linggo, so I am looking forward to that."
Ang unang Ultimate Female Survivor ng StarStruck na si Jennylyn naman ay puno ng excitement dahil ngayong season 7 ay isa na siyang co-host ni Dingdong.
"Medyo kinakabahan ako kasi ngayon lang ako magho-host ng isang malaking reality na artista search. So 'yan excited na medyo kinakabahan!"
The road to stardom begins. Abangan ang StarStruck this June 15 sa GMA Network.