What's on TV

Jak Roberto, nagkasugat ang kamao dahil sa tindi ng eksena sa 'Stories From The Heart: Never Say Goodbye'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 5, 2021 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto and Klea Pineda


Kuwento ni Jak Roberto, galit siya sa karakter ni Klea Pineda na si Joyce kaya napalakas ang kanyang suntok.

Matindi ang mga naging eksena ni Jak Roberto sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye kaya naman nagkasugat ang kanyang kamao.

Kuwento ni Jak sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, punong-puno ng emosyon ang kinunan nilang eksena kaya napalakas siya ng suntok.

Paliwanag ni Jak, "Explode 'yung isang eksena, e. Kailangan magalit ako sa character ni Klea, kay Joyce."

"So halo-halong galit, frustration, betrayal. Ganun 'yung nangyari kaya kailangan kong ilabas ang lahat."

Isang post na ibinahagi ni GMA Drama (@gmadrama)

Bukod kina Jak at Klea, bibida rin sa Stories From The Heart: Never Say Goodbye sina Lauren Young at Ms. Snooky Serna.

Ayon kay Lauren, kakaibang karakter ang kanyang gagampanan sa Never Say Goodbye.

Aniya, "This is the first time in a long time that I've done a show where it's not about that. My character, sobrang vulnerable niya."

May napansin naman ang beteranang aktres na si Snooky Serna sa kanyang mga katrabaho.

Saad niya, "Iba talaga ang vibe ng mga kabataaan ngayon pero 'yung professionalism, nandoon."

"And 'yung joy for taping, nandoon."

Mapapanood ang Stories From The Heart: Never Say Goodbye, malapit na sa GMA Afternoon Prime.