
Sizzling hot at trending ang photo ni Julie Anne San Jose na nakakuha ng libu-libong likes sa Instagram.
Ayon sa Kapuso singer at actress, kinuha niya ang nasabing litrato habang naka-break sa taping ng summer special ng Studio 7.
Ani ni Julie, “Actually, kaya lang ako nakapag-post kasi nakasingit lang ako ng photo shoot at quick pictorial.”
LOOK: Julie Anne San Jose flaunts her curves in swimsuit photo
Sabi pa ng singer excited ang buong cast na magkaroon ng summer special ang kanilang entertainment show.
“I'm very excited about it kasi first time namin na pupunta ng resort na magkaroon ng summer special.
“Siyempre, masaya kasi magkakasama kaming lahat,” aniya.
Getting ready na rin si Julie Anne sa Kapusong Pinoy presents Studio 7: MusiKalye na gaganapin sa Brooklyn, New York sa May 11.
Makakasama ni Julie sina Rayver Cruz, Christian Bautista, Kyline Alcantara, at Alden Richards.
Ano naman ang mga pinaghahandaan ng Studio 7 cast sa kanilang upcoming New York concert?
Panoorin sa chika ni Nelson Canlas: