
Balik Pilipinas na ang cast ng Studio 7 na sina Alden Richards, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, at Betong Sumaya.
Sa Instagram post ni Betong, makikitang all smiles ang buong cast and crew na bumalik sa bansa. Binigyan din ng oras ng comedian na pasalamatan ang mga nanood ng kanilang concert.
Sulat ni Betong, “Ty po LORD Just safely landed, amazing thanks po mga Kapuso sa Brooklyn sa inyong mainit na suporta at pagmamahal.”
Masaya rin si Inagaw na Bituin star Kyline Alcantara na makabalik sa Pilipinas pagkatapos ng kaniyang mahigit 16-hour flight.
Aniya, “This is how happy I am, because I'm back in the Philippines!!! Woohooooooo”
Maalalang nag-perform ang cast ng Studio 7 Musikalye sa King's Theatre sa Brooklyn, New York noong Linggo, May 12.
IN PHOTOS: Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn
IN PHOTOS: All the tourist spots the 'Studio 7 Musikalye' artists visited in New York City