Nagpakitang gilas ang Trops stars sa Wikarambulan segment ng Sunday PinaSaya kahapon, March 5.
Girls versus boys ang labanan sa Sunday noontime show kung saan mahusay itong nilaro ng mga kalahok.
Kabilang sa Trops girls sina Toni Aquino, Krystal Reyes, Shaira Mae dela Cruz at Taki Saito habang ang Trops boys ay sina Tommy Peñaflor, Joel Palencia, Kim Last at Kenneth Earl Medrano.
Celebrities ang kategorya ng mga girls habang song title naman ang sa mga baes. Kaninong team kaya ang nagwagi sa Wikarambulan? Panoorin ang video na ito.
Samantala, limang buwan nang nagsasama ang inyong mga ka-Trops kaya hatid ng barkada ang #TropsGoals: Party with the Baes concert ngayong March 24 (Friday) sa SM Sky Dome.
Abangan ang millennial-oriented drama mula Lunes hanggang Biyernes ng 11:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga.
MORE ON 'TROPS':
READ: ‘That’s My Baes,’ nagpasalamat sa mataas na ratings ‘Trops’
READ: ‘Trops’ stars Taki Saito and Toni Aquino exchange sweet messages
READ: ‘Trops’ star Kim Last, may gusto kay Ina Raymuno?