
Makakabiritan ni Kapuso singer Aicelle Santos sa weekly comedy show na Sunday PinaSaya si “Kariton Kid” Michael Angelo Tatad.
Isa si Michael sa “Puso Ng Saya” awardees na bahagi ng fourth anniversary ng weekly show.
Aminado si Aicelle na humanga raw siya kay Michael nang makita ang viral video nito.
Aniya, “Narinig ko 'yung kwento niya, bukod sa viral video niya.
“Nakaka-excite na at least mas makikita ng maraming Pilipino kung gaano kagaling ang batang ito kumanta.”
Maliban kay Aicelle, makakasama rin ni Michael si Asia's Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.
Itinampok na ng docu-program na Front Row ang kuwento ni Michael na nangangalakal para matulungan ang kaniyang pamilya at naging viral online sa kaniyang galing sa pagkanta.
Abangan ang performance nila ngayong Linggo, August 4 sa GMA-7!
Panoorin ang ulat ni Aubrey Carampel:
LOOK: Aicelle Santos bags second prize in ASEAN+3 Song Contest 2019
IN PHOTOS: Aicelle Santos's awards that prove she's a hardworking superstar