What's on TV

'Tadhana' episode nina Prince Clemente at Jean Saburit, umabot na ng 1M views

By Bianca Geli
Published February 27, 2020 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-trending at umabot na ng 1M views ang 'Tadhana' episode nina Prince Clemente at Jean Saburit!

Umani na ng mahigit isang milyon na views sa YouTube at Facebook ang "Tadhana: Bilanggo Ni Madam" episode nina Prince Clemente at Jean Saburit.

Sa unang parte ng two-part episode story ng Tadhana nitong nakaraang Sabado, napanood ang kuwento ni Harvey (Prince Clemente) na nagtrabaho bilang houseboy kay Madam Veronica (Jean Saburit) upang makapag-ipon.

Naging komplikado ang lahat nang magkaroon ng sikretong relasyon ang dalawa kahit na may girlfriend na si Harvey at may asawang baldado si Madam Veronica.

Abangan ang "Tadhana: Bilanggo Ni Madam Ang Ikalawang Yugto" ngayong darating na Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7!

Balikan ang unang parte ng two-part episode dito: