Hindi napigilan ni Rhian Ramos ang kanyang reaksyon sa pagsasayaw ng Meant to Be boys na sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Jak Roberto at Addy Raj sa isang episode na ipapalabas soon sa Taste Buddies.
Ito ay kanyang inihayag sa kanyang social media account kung saan ipinost niya ang video na nag-sexy dance ang mga boys sa kanilang dalawa ni Solenn Heussaff.
Inisa-isa ni Rhian ang kanyang mga realizations. Pagsisimula niya, "I've been to two bachelorette parties, pero mas masaya 'yung performance na 'to!"
Inilahad rin ni Rhian na iniidolo niya ang Meant to Be leading lady na si Barbie Forteza.
"@barbaraforteza is my idol"
Biro pa ni Rhian, may magandang pangalan para sa isang game master dahil sa ito ang paulit-ulit niyang sinambit sa video. "Sobrang bagay ang name na "Lourde" sa isang game master."
May isa pang pabirong hirit ang Taste Buddies host. Aniya, "We would like to publicly apologize to the managers of these 4 talented young gentlemen."
Dahil sa post na ito, mas napatunayan ni Rhian na ang pagiging host sa Taste Buddies ang kanyang pinakamagandang trabaho. Saad ni Rhian, "#TasteBuddies = #BestJobEver
Dagdag pa nito, "Bukas ulit please hashtag blessed"
MORE ON RHIAN RAMOS:
Rhian Ramos named 42nd Metro Manila Film Festival's Female Celebrity of the Night
Rhian Ramos thanks her 800K friends online