Last Saturday, February 18, nagkaroon ng isang spicy and yummy food trip sina Solenn Heussaff at Rhian Ramos kasama sina Mikoy Morales at Ralph Noriega.
Sinimulan ng Taste Buddies ang kanilang Mexican food trip with Chef Harold Macaraeg. Tinuruan ni Chef Harold si Rhian ng pag-prepare ng bestseller ng Guisados na Chimichanga.
Nagkaroon ng chance sina Mikoy at Ralph na makakuha ng tip para mabigyan ng sweet treat ang girls sa pamamagitan ng Cinnamon Chips Ala Mode ng Guisados.
Sa tikiman time, ibinigay nina Solenn at Rhian ang kanilang hatol sa mga inihandang dishes. Pero nagkaroon rin ng bukingan time dahil crush pala ni Mikoy si Rhian!
Panoorin ang kilig na kilig na moment ni Mikoy nang ibinunyag ang kanyang paghanga kay Rhian.
Catch more fresh, fun, and fab adventures every Saturday, 8:45 p.m., in GMA News TV.
MORE ON 'TASTE BUDDIES':
WATCH: Marc Abaya cooks in 'Taste Buddies'
WATCH: Mikee Quintos at Kate Valdez, nagkaiyakan sa 'Taste Buddies'