
Dalawang Kapuso hunks ang nakasama nitong May 25 sa Taste Buddies, pero isa sa kanila ang nagpakita ng kanyang palaban na sexy subo.
Sa pagbisita nina Paul Salas at Edgar Allan Guzman sa Taste Buddies nakatikim sila ng unli meat mula sa Chateaubriand Premium Steak Restaurant kasama ang hosts na sina Solenn Heussaff at Gil Cuerva. Pero para makumpleto ang kanilang Taste Buddies experience, kailangan nilang gawin ang signature Sexy Subo.
Panoorin ang kakaibang sexy subo ni Edgar Allan na gumulat kina Solenn, Gil at Paul sa Taste Buddies.