
Ibinahagi ni Solenn Heussaff na excited na siya sa pagbabalik trabaho sa Taste Buddies.
Kuwento ni Solenn sa kanyang interview sa 24 Oras, magkakaroon ng pagbabago ang programa dahil sa new normal.
Saad ng Taste Buddies host, "Super excited na rin ako na bumalik sa trabaho."
Dagdag pa ni Solenn, magkaiba sila ng location ng kanyang co-host na si Gil Cuerva sa pag-shoot ng kanilang programa. Si Gil ay ang host sa labas habang si Solenn naman ay mag-shoot ng videos sa kanyang bahay.
"For now baka si Gil will be the one on the grounds tapos ako gagawin ko yung mga videos ko sa bahay kasi may studio na ako dito."
Simula ngayong July 12 ay magsisimula na ipalabas ang mga fresh episodes ng Taste Buddies. Ito ay mapapanood tuwing 10 a.m. sa GMA Network. Ang replays naman ay mapapanood pa rin sa GMA News TV tuwing Sabado, 8:30 p.m.
'Taste Buddies' to air every Sunday on GMA Network