
Tiyak na iinit ang Sunday night ninyo dahil uulan ng mga naggagwapuhan at naggagandahang katawan sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, June 9.
Si Ruru Madrid ang mang-gu-good time, kasabwat sina Boobay at Tekla sa 'Pranking in Tandem' segment. Ang kanyang biktima, dalawang aspiring actors na makakasama niya sa isang kunwaring interactive children's show.
Samantala, sina Rodjun Cruz, Kristoffer Martin at Rocco Nacino naman ang mauupo sa hot seat ng 'Feeling The Blank' para sagutin ang ilang naughty at titillating questions.
Non-stop din ang hatid na katatawanan ng fun-tastic duo sa 'TBATS on the Street,' 'Dear Boobay and Tekla,' at sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody.
Tuloy-tuloy ang laugh trip dito! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, June 9, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!