What's on TV

EXCLUSIVE: Boobay at Tekla, may pangako pagkatapos ang first anniversary ng 'TBATS'

Published February 10, 2020 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Bureau of Customs dialogue and delivery rollout of abandoned balikbayan boxes (Dec. 18, 2025) | GMA Integrated News
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News



Puno rin ng pasasalamat ang fun-tastic duo dahil sa ibinigay na suporta ng viewers sa unang taon ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Bilang pasasalamat, isang pangako ang binitiwan nina Boobay at Tekla sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng kanilang programang The Boobay and Tekla Show (TBATS).

Nitong January ay isang taon nang napapanood sa TV at namamayagpag sa ratings ang TBATS. Anang fun-tastic duo, sisiguraduhin nila ang pagpapatuloy ng saya at katatawanan tuwing Linggo.

IN PHOTOS: 12 reasons Boobay and Tekla are among today's top comedians

Wika ni Boobay, “Wag kayong mag-alala dahil sa binigay niyo sa aming pagkakataon na isang taon, nako, pag-iigihan pa po namin ang pamimigay ng ligaya para sa inyong lahat. We are going to give you the happiness that you truly deserve.”

Dugtong naman ni Tekla, “Thank you and we always owe you, guys. Without you baka walang Boobay at saka walang Tekla kasi sa inyo po kami kumukuha ng inspirasyon to go further at lalo pang pagandahin 'yung show at makapaghatid ng saya at ngiti sa mumunti naming palabas every Sunday."

Panoorin: