What's on TV

WATCH: Sinong Clasher ang pinangalanan ni Super Tekla na "Tombi?"

By Jansen Ramos
Published September 26, 2019 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Bago pa man sumali sa The Clash, nadiskubre na ni Super Tekla ang 30-year-old na si Sheryl "Tombi" Romulo, entertainer sa isang comedy bar.

Bago pa man sumali sa The Clash, nadiskubre na ni Super Tekla ang 30-year-old na si Sheryl "Tombi" Romulo, entertainer sa isang comedy bar.

Sa katunayan, ang Kiko En Lala star ang nagbigay ng palayaw na "Tombi" sa The Clash hopeful matapos niya itong mapanood sa isang singing contest.

Kuwento ni Super Tekla, "Si Sheryl ay pinangalanan kong Tombi kasi karakter s'ya. Running joke ko 'yun sa comedy bar. 'Di bale nang tomboy, 'wag lang tambay."

Biro pa niya, "Na-discover ko 'yang si Tombi kasi napakahusay n'ya sa isang singing contest and then ako po 'yung judge, then s'ya lang po 'yung contestant kaya nanalo s'ya. Charing!"

Nagbunga naman ang pagsali ni Tombi sa singing competition dahil naging daan ito para subukan ang kanyang suwerte sa The Clash.

Hindi naman siya nabigo dahil siya ang nagwagi sa kanilang one-one-one showdown ni Raychel Angkico.

Balilkan ang winning performance ni Tombi rito:

WATCH: Kilalanin ang "Mr. Hips" ng 'The Clash'

Apo ni Comedy King Dolphy, hindi susuko para sa pangarap