
Sa kabila nang iniindang lagnat, sinorpresa ni Sassa Dagdag ang The Clash panel sa kanyang performance. Inawit niya ang kantang "My All" na pinasikat ni Mariah Carey.
Natuwa sina Aiai Delas Alas at Lani Misalucha sa performance ni Sassa ngunit si Christian Bautista, ipinaalala sa The Clash hopeful na kailangan niyang alagaan ang kanyang kalusugan dahil ito ang kanyang puhunan para magwagi sa kompetisyon.
Sabi ni Christian, "Reminder ko sa Clashers is the contest starts before you go on the stage always. So please take care of your health kasi it will make it hard kapag lumaban na kayo."
Sa kabila nito, pinuri naman ng singer/actor ang boses ni Sassa na maihahaluntulad kina Mariah at Beyonce.
Dugtong ni Christian, "Sassa, you have a great potential. 'Yung tone mo parang mix ni Mariah Carey at Beyonce so we will see what happens next. Thank you for your performance."
Maging ang netizens ay nagustuhan ang pag-awit ni Sassa.
Sa katunayan, kasalukuyang trending ang kanyang performance sa video-sharing site na YouTube.
Panoorin ito muli:
The Clash 2019: Sassa Dagdag vs Ken Fraser | Exit Interview
WATCH: Dalawang Clashers, inatake ng anxiety sa gitna ng laban