What's on TV

Aiai Delas Alas, ipinaliwanag kung bakit hindi niya nakanta nang tama ang lyrics ng "Bang Bang"

By Jansen Ramos
Published November 8, 2019 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas performs Bang Bang in The Clash


Ayon sa Instagram post ng Comedy Concert Queen, stressed daw siya kaya hindi niya na-memorize ang lyrics ng "Bang Bang."

Nag-react si Comedy Concert Queen sa isang viral video kung saan mapapanood na hindi niya nabigkas at nakanta nang tama ang lyrics ng "Bang Bang," ang hit song nina Ariana Grande, Jessie J, at Nicki Minaj.

Aiai Delas Alas
Aiai Delas Alas

Pinerform niya ang hit pop song kasama ang all-female quartet na XOXO para sa Nov. 3 episode ng The Clash.

Sa Instagram, inamin ng 54-year-old comedienne na "natawa" siya sa nasabing video na may caption na "KAPAG NAKA INOM AT GUSTO MO YUNG KANTA!!!"

Ipinost ang video ng isang netizen na nagngangalang Budalyn L. Betita sa Facebook noong November 7. At this writing, mayroon na itong mahigit 990,000 views sa social networking site.

Hahahhahahaa ayos natawa ko dito tnx netizens 😂

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Sa hiwalay na Instagram post, ipinaliwanag ni Aiai na stressed siya noong panahong iyon kaya hindi niya na-memorize ang lyrics ng "Bang Bang."

Saad ng The Clash judge, "Inaral ko talaga 'to at lahat ng mga kanta ko tuwing may concert ako or number.

Aiai Delas Alas, sinabing marami pang magaganap na twists sa 'The Clash'

"Ewan ko ba 'pag na-stress ako parang 'yung letra sa teleprompter nawawala sa paningin ko.

"At kahit anong gawin kong memorize, parang 'di ko ma-memorize [ang] kanta."

Paliwanag pa ni Aiai, "Dumating nga ako sa point 'pag may concert ako [kunwari] November ang concert, July pa lang nagme-memorize na 'ko ng kanta pero 'pag dating ng [November,] gano'n pa din at may teleprompter pa.

"Kakaloka."

Gayunpaman, okey lang daw na nagkamali siya sa lyrics dahil natuwa naman ang kanyang "kumare" at The Clash co-judge na si Lani Misalucha sa kanyang performance.

"'Yun po hehehe basta masayang-masaya kumare ko haha @lanimisalucha," pagtatapos ni Aiai.

Magpapaliwanag ako 😂😂😂😂... inaral ko talaga to at lahat ng mga kanta ko tuwing may concert ako or number ... ewan ko ba pag na stress ako parang yung letra sa teleprompter nawawala sa paningin ko .. ( basta mahaba pa explanation ko pero sa barangay na lang ako mag papaliwanag )at kahit anong gawin ko memorize parang d ko mamemorize kanta .. ( dumating nga ako sa point pag may concert ako kunyare november ang concert july palang nag mememorize nako ng kanta pero pag dating ng nov ganun pa din at may teleprompter pa kakaloka ) yun po hehehe basta masayang masaya kumare ko haha @lanimisalucha

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Mapapanood ang The Clash tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento, at tuwing Linggo, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.