GMA Logo The Clash Pop Heartthrob Jeremiah Tiangco
What's on TV

Jeremiah Tiangco, itinuturing na biggest threat sa 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published November 12, 2019 4:55 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash Pop Heartthrob Jeremiah Tiangco


Bakit kaya kinatatakutan ang Pop Heartthrob ng Imus na si Jeremiah Tiangco ng kanyang 'The Clash' co-finalists?

Sa ginanap na media conference ng The Clash Top 12 finalists noong Lunes, November 11, ibinunyag nila kung sino ang kinatatakutan nilang makalaban sa kompetisyon.

Karamihan sa kanila ay pinili ang Pop Heartthrob ng Imus na si Jeremiah Tiangco.

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na nasa “Top 12” na ako dito sa The Clash🔥 Thank you Lord Jesus, Dahil sainyo po nandito ako😭 Salamat po sa mga sumusuporta at nag dadasal🙌🏻 patuloy niyo po kaming suportahan sa mga darating namin laban🔥 Ang “Pop Heartthrob ng Imus,Cavite” Jeremiah Tiangco💞 maraming salamat po!!☺️ 📸: mama @geebragancia Styled by: @nathanzafra @themanbehindthestyle @michodacasin #THECLASHTop12MediaCon #Top12 #gmatheclash2019 a

A post shared by Jeremiah Tiangco (@jeremiah_tiangco) on

Biggest threat kung ituring ang 22-year-old Caviteño singer dahil malaki ang edge nitong tanghaling The Clash Season 2 Grand Champion dahil unique ang kanyang boses, ayon sa kanyang mga katunggali.

WATCH: Jeremiah Tiangco at Nef Medina, ginulat ang 'The Clash' panel sa kanilang version ng "Hello"

Sa panayam ng ilang entertainment reporters at bloggers, tila hindi alam ni Jeremiah kung paano magre-react sa opinyon ng kanyang co-finalists.

Gayunpaman, ipinahayag niya na lahat sila ay may kanya-kanyang skills sa pagkanta kaya deserving silang makapasok sa Top 12.

Sambit ni Jeremiah, "Actually, 'di ko rin po alam.

"I think lahat naman po kami merong own strengths, may own weaknesses so siguro 'di ko rin po sila masisisi kung bakit gan'on 'yung mga sinasabi nila.

"Pero para po sa 'kin, lahat po kami magaling, lahat po kami deserving sa seat na ito, so lahat po kami deserving na manalo."

Siyempre, hindi rin nakaligtas si Jeremiah sa mainit na tanong ng media kung sino ang nakikita niyang biggest threat sa The Clash.

Ibinahagi niya na ang Sassy Girl ng Pampanga na si Sassa Dagdag ang kinatatakutan niyang makatapat dahil sa malalim na dahilan.

Clasher Sassa Dagdag's version of "My All" earns 1M views on YouTube

Paliwanag ni Jeremiah, "Ayaw ko po siya makalaban kasi bunsong kapatid ko na po s'ya, malapit siya sa 'kin.

"At the same time, nagtutulungan din po kami kapag may tanong po s'ya, tatanungin niya po sa 'kin as kuya."

GMA Network's ' The Clash' names Top 12 Finalists