
Pinangalanan na ang mga susunod na makakatungtong sa next round ng The Clash 2023.
Sa January 29-episode ng programa, pasok sa Top 15 ng GMA musical competition sina Jemy Picardal ng Pangasinan, Kirby Bas ng Agusan del Sur, at Arabelle Dela Cruz ng Laguna.
Nakalaban ni Jemy sa one-on-one Clash si Luna Gray ng Quezon City.
"Grabe nakakakaba. 'Di ko ine-expect po 'yung reaction ng judges pero, grabe, 'di ko rin po ine-expect na si Ate Luna 'yung makakalaban ko," sabi ni Jemy.
Nakaharap naman ni Kirby si Jade Toston ng Misamis Oriental.
"I'm satisfied that I was able to give my best to my performance. It is very flattering and also very overwhelming and I'm happy with judges' comments sa akin," saad ni Kriby.
Samantala, huling naglaban sa nakaraang episode ng The Clash 2023 sina Arabelle at Murline Uddin ng Cavite.
"Super taas talaga ng emosyons ko right now. Super na-o-overhwlem pa rin ako kasi 'di pa rin ako makapaniwalang makakakanta ako or nakakanta ako ngayon sa The Clash Season 5," reaksyon ni Arabelle matapos ang kanyang performance.
Makakasama nina Jemy, Kirby, at Arabelle sa second round ng The Clash 2023 ang mga naunang itinanghal na 'Top of the Clash' na sina Liana Castillo, Lara Bernardo, at Mark Avila.
Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Ang panel of judges naman ay binubuo nina Aiai Delas Alas, Christian Bautista, at Lani Misalucha.
Mapapanood ang The Clash 2023 tuwing Linggo, 7:50 p.m. bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.
Mayroon din itong livestream sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash at sa Facebook page ng GMA Network.
Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumista sa GMANetwork.com/TheClash at sa official social media pages ng programa.
Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.
KILALANIN ANG TOP 30 CLASHERS NG THE CLASH 2023: