What's on TV

Kim Domingo on why she's not doing sexy roles: "I want something new"

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 21, 2019 12:22 PM PHT
Updated January 26, 2019 11:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay Kim Domingo, mas gusto na niyang subukan ang iba namang roles: 'I want something new, something na mas magiging masaya ako. Something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista.'

Nagpaliwanag si Kapuso sweetheart Kim Domingo kung bakit umaayaw na siya ngayon sa mga sexy roles.

Kim Domingo
Kim Domingo

Sa isang post sa Instagram, sinabi ng Bubble Gang star na mahirap “gawin ang isang bagay na hindi bukal sa [kanyang] kalooban.”

“'Bakit hindi ka na nagpapasexy? Bakit hindi ka na tumatanggap ng daring roles? Ang arte arte mo eh dati ka naman nagpapakita ng katawan.' Ilan lang yan sa mga nabasa kong komento sa akin ng ibang tao lalo na nung mayroon akong tinaggihang show dahil sa daring role,” panimula ni Kim.

“Isa sa pinakamahirap gawin ay ang gawin mo ang isang bagay na hindi bukal sa inyong kalooban, yung wala na sa puso mong gawin, yung gagawin mo na lang dahil ayawa mong ma-disappoint ang mga taong nakapaligid sayo."

Dagdag ni Kim, nagpapasalamat siya sa mga tumulong sa kanya pero hindi na niya kayang gawin ang ginagawa niya dati.

“Isang taon na din ang nakakaraan nung mapagisip isip ko na I want something new, something na mas magiging masaya ako. Something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista.

“Nagsimula ako sa pasexy na image at roles hanggang sa dumating ang ibang roles gaya ng “Super Maam” na sobrang thankful ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita na kaya ko din gumawa ng action role.

“Ang sarap sa pakiramdam na pati mga bata iniidolo na ako ngayon. Kaya kung magpapasexy man ako, hindi na kagaya ng dati.

“Gusto ko mag-grow bilang artista at wala akong nakikitang masama sa desisyon kong ito,” pagtatapos niya.

“ Bakit hindi kana nagpapasexy ? Bakit hindi ka na tumatanggap ng daring roles? Ang arte arte mo eh dati ka naman nagpapakita ng katawan” Ilan lang yan sa mga nababasa kong komento sakin ng ibang tao lalo na nung mayroon akong tinanggihang show dahil sa daring role. Alam nyo, Isa sa pinakamahirap gawin , ay ang gawin mo ang isang bagay na hindi bukal sa iyong kalooban, yung wala na sa puso mong gawin. yung gagawin mo nalang dahil ayaw mong ma disappoint ang mga taong nakapaligid sayo. Yung mga taong nagdala sayo kung asan ka man ngayon. Thankful ako sa lahat ng blessings na dumadating sa buhay ko, thankful ako sa mga taong naging dahilan kung bakit andito ako ngayon thankful ako sa pagkilala sakin bilang bagong pantasya ng bayan pero may mga bagay na hindi kona kayang gawin gaya ng dati. Isang taon na din ang nakakaraan nung mapagisip isip ko na i want something new, something na mas magiging masaya ako, something na mas maipapakita ko kung anong kakayahan ko bilang artista. Ayokong ma stock up sa imahe na puro pagpapasexy nalang ang ginagawa ko, mas gusto ko makita ng mga tao na si Kim Domingo ay hindi lang puro pagpapakita ng katawan ang alam gawin. Alam ko sa sarili ko kung ano ang kakayahan ko. Alam ko madami pa akong pagdadaanan, madami pakong kailangan maexperience pero lahat ng ito ay handa kong harapin. Nagsimula ako sa pasexy na image at roles. Hanggang sa dumating ang ibang roles gaya ng “Super Maam” na sobrang thankful ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maipakita na kaya ko din gumawa ng action role at dahil sa show na ito nagsimula na ma appreciate ako ng mga bata. Which is mahalaga sakin bilang artista na hindi lang puro lalaki ang pwedeng umidolo sakin at matuwa sa mga ginagampanan kong roles. Ang sarap sa pakiramdam na pati mga bata iniidolo nako ngayon. Kaya kung magpapasexy man ako hindi na kagaya ng dati. Gusto ko mag - grow bilang artista at wala akong nakikitang masama sa desisyon kong ito. Gusto ko din magpasalamat sa network ko at sa GMA artist center at sa manager ko sa pagsuporta sa desisyon kong ito. Masasabi kong masaya ko sa lahat ng ginagawa ko ngayon. Masaya ko sa mga projects na ginagawa ko ngayon 🥰 Thank you din kay LORD ❤

A post shared by Kim Domingo (@kimdomingo_) on

Kasama si Kim sa eleksyon-serye na TODA One I Love kasama sina Kylie Padilla, Ruru Madrid, David Licauco, Jackie Rice, Victor Neri, Gladys Reyes, Kimpoy Feliciano at marami pang iba.

Panuorin ang TODA One I Love sa February 4 sa GMA Telebabad!