
Ngayong nakatakda siyang gumanap bilang isang superhero sa kanyang upcoming GMA telefantasya na Victor Magtanggol, naging iba ang expectation para sa pangangatawan ni Kapuso actor Alden Richards.
Positibo man ang naging feedback sa kanyang costume, may natanggap pa rin siyang mga 'di kanais-nais na puna tungkol sa kanyang katawan.
"Healthy naman ako at fit kaya lang on TV, times 25 [ang nakikita]. Kailangan ng extra adjustment pa kasi siyempre we're more visual. It's more of the TV that they see, not the person so adjust tayo doon," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Hindi naman daw siya nasasaktan dahil alam niya ang mga limitasyon ng kanyang sariling katawan.
"I don't really mind kasi kung saan ako kumportable sa katawan ko, doon ako. Hindi naman ako papuntang body builder if that's what they want me to do. I don't really mind comments about my weight anymore," pahayag ni Alden.
Ibinahagi rin niya kung paano siya nasanay sa ganoong klase ng mga komento.
"People who say those kinds of stuff to you, they are projecting 'yung insecurity nila towards you. Sila sa sarili nila, they're insecure," panimula niya.
"Madaling sabihin kasi na huwag pansinin, pero you really have to find your core to be able to endure those kinds of comments kasi hindi madali eh. It's not easy but it's tolerable. Kaya mo namang i-train 'yung feelings mo to not feel hurt when you hear those kinds of comments," dagdag pa niya.
Abangan si Alden bilang ang bagong tagapagligtas sa Victor Magtanggol, malapit na sa GMA Telebabad.