What's on TV

Janine Gutierrez, ninerbiyos na tanggapin ang role sa 'Victor Magtanggol'

By Aedrianne Acar
Published July 24, 2018 9:40 AM PHT
Updated July 24, 2018 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin ang dahilan kung bakit kinabahan si Kapuso actress Janine Gutierrez nang i-alok sa kanya ang role bilang si Gwen Regalado para sa bagong GMA telefantasya na 'Victor Magtanggol.'

 

Makakasama sa higanteng telefanstaya ng GMA-7 na Victor Magtanggol ang Kapuso showbiz royalty na si Janine Gutierrez.

EXCLUSIVE: Eric Quizon on Janine Gutierrez: "Alam mo talagang ang lineage hindi maikakaila"

EXCLUSIVE: Andrea Torres, bakit gusto ang pressure na dala ng 'Victor Magtanggol?'

Gagampanan ni Janine ang role ni Gwen Regalado na isang field reporter at anak ng politician na si Hector na bibigyan buhay ni Eric Quizon.

Sa panayam ng miyembro ng press kay Janine sa grand media conference ng Victor Magtanggol this Monday evening, July 23, umamin ang dalaga na nakaramdam siya ng nerbiyos ng mapasama siya sa primetime series.

Pag-amin ni Janine, “Ninerbyos lang po ako siyempre kasi napakalaking project po. Kaya kinabahan po talaga ako, pero at the same time honored po ako na ako ‘yung inalok ng ganitong klaseng role sa ganitong kalakaing project. So 'yun po talaga ‘yung nanaig.”

Sinabi din ng Kapuso actress na kinonsidera din niya ang mararamdaman ng mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala sa tawag na AlDub Nation nang tanggapin niya ang role na Gwen.

“Siyempre naisip ko po ‘yun at ayoko talaga may masaktan or may magalit. Or maraming ma-dissapoint, sobrang kinabahan din po talaga ako.”

Ipinagpapasalamat din ng anak ni Lotlot de Leon na wala siyang masyadong natanggap na bashing online at ramdam niya ang mainit na suporta ng mga Kapuso at fans din mismo ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

“Actually wala po masyado nagpapasalamat po ako talaga na wala masyado at marami po talagang sumusuporta. Ramdam na ramdam ko ‘yung suporta ng mga supporters ng GMA, mga Kapuso Brigade, mga tagahanga ni Alden [Richards] na talagang napakabait sa akin. So sobrang thankful ako, thankful na thankful po ako talaga ngayon.”

Binigyan diin ni Janine na malaki ang tiwala niya sa Kapuso Network sa mga roles na ipinagkakatiwala sa kaniya.

“Honestly, wala naman po ako sa posisyon na mag-demand kung ano gusto kong project. Hindi naman po ako ganun pong klaseng artista. So, masuwerte lang po talaga ako na naiisipan po ako bigyan ng trabaho and 'yun po ay ipinagkakatiwala ko na rin sa GMA na ‘yung ibinibigay nila sa akin ‘yun po talaga ‘yung kaya ko at tama para sa akin.”