Sa unang tingin ay isang tipikal na teenager si Maddy Smith.
Nakatira siya sa bayan ng Stoneybridge kasama ang kanyang pamilya. Miyembro siya ng photography club ng kanilang paaralan kasama ang kanyang mga kaibigan.
Pero may itinatagong lihim si Maddy. Isa siyang Wolfblood—nilalang na parteng tao at parteng lobo.
"Tame" na mga Wolfblood sina Maddy at kanyang mga magulang. Namumuhay sila ng tahimik sa mundo ng mga tao sa pamamagitan ng pagtatago ng kanilang mga kapangyarihan.
Kaya naman laking tuwa ni Maddy nang makilala niya ang binatang si Rhydian Morris. Bagong lipat lang sa Stoneybridge si Rhydian pero agad siyang nakilala ni Maddy bilang kapwa niya Wolfblood.
Pero ulilang Wolfblood si Rhydian at hindi niya alam kung paano gamitin at itago ang kanyang kakaibang mga abilidad. Sa tulong ng pamilyang Smith, magkakaroon ng gabay si Rhydian sa pagiging isang Wolfblood.
Magkasamang susubukan nina Rhydian at Maddy ang kanilang mga bagong abilidad. Sila rin ang magiging magkatuwang sa pagtatago ng kanilang sikreto.
Ngunit may ibang mga Wolfblood na nagbabantang manggulo sa simpleng buhay nina Maddy at Rhydian. Ito ang mga "wild" Wolfbloods na itinuturing na kaaway ang mga tao.
Paano aalagaan nina Maddy at Rhydian ang kanilang sikreto?
Alamin sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 am sa GMA.