Isang malaking lihim ang nagtatago sa maliit na bayan ng Stoneybridge.
May grupo ng mga Wolfblood—mga nilalang na parteng tao at parteng lobo—na naninirahan dito.
Isa na dito si Maddy Smith, isang 15-year-old teenager na namumuhay sa isang farm house kasama ang kanyang mga magulang.
Mga "tame" na Wolfblood ang pamilya ni Maddy. Itinatago nila ang kanilang mga abilidad, tulad ng kanilang kakaibang lakas at bilis, para mabuhay bilang regular na mga mamayan. Nag-aanyong lobo din ang mga Wolfblood tuwing bilog ang buwan.
Dahil bata pa si Maddy, hindi pa niya nararanasan ang unang transpormasyon niya. Gayunpaman, nagagamit na niya ang ilan sa mga abilidad ng mga Wolfblood tulad ng matalas niyang pandinig at pang-amoy.
Magbabago ang buhay ni Maddy sa pagdating ni Rhydian Morris sa Stoneybridge. Alintana ni Maddy na magkatulad sila ni Rhydian, pero bakit tila wala itong alam sa pagiging Wolfblood?
Ang British actress na si Aimee Kelly ang gaganap bilang Maddy. Para sa kanyang pagganap, nakatanggap siya ng nominasyon bilang Children's Performer sa British Academy Children's Awards noong 2013.
Abangan si Maddy at ang kanyang mga adventures sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 am sa GMA.
MORE ON 'WOLFBLOOD':
Wolfblood: A new pack is coming
Pakawalan ang inyong wild side sa 'Wolfblood'