IN PHOTOS: Sumama sa wild adventures ng 'Wolfblood'

Sa pagbabalik ng Wolfblood, nilisan na ni Maddy (Aimee Kelly) at ng kanyang pamilya ang Stoneybridge para maitago ang kanilang sikreto.
Labis naman ang kalungkutan ni Rhydian (Bobby Lockwood) at ang kanyang mga human friends na sina Tom (Kedar Williams-Stirling) at Shannon (Louisa Connolly-Burnham) na maiiwan sa Stoneybridge.
Pero wala pa rin silang takas sa peligro dahil sa pagbabalik ni Dr. Rebecca Whitewood (Letty Butler) na naghahanap pa rin ng patunay na totoo ang werewolves.
Bukod dito, ang pagbalik ng nawalay na ama ni Rhydian ay may katumbas na mga problema para sa kanya. Matutuklasan ni Rhydian na ang mga inakala niyang kaibigan ay may masamang balak sa kanya.
Panoorin ang 'Wolfblood,' Lunes hanggang Biyernes, 8:25 A.M. sa GMA-7!






