
Napa-confess ng feelings niya sa Your Honor si Vice Chair Buboy Villar sa maganda at talented na resource person nila na si Faith Da Silva.
Isa si Faith sa guest ng House of Honorables para sa session nila na “In Aid of Beauty: Ang Sumpa ng Babaeng Maganda” na napanood nitong Sabado, March 1.
Guest din sa YouLOL Originals vodcast ang Sparkle comedienne na si Herlene Budol.
Sa interview kay Faith, napakuwento siya sa experience niya na may mga guy friends siya na nafo-fall sa kaniya eventually.
Lahad niya sa Your Honor, “E, ikaw gusto mo lang ng friendship, 'di ba. So, 'pag dumating na 'yung point na iba na 'yung tingin sa'yo ng lalaki [i-exit na ako]."
Hindi na raw din niya kinakausap ang male friend niya kapag nalaman nito na “more than friends” na ang hinahanap sa kaniya.
“Hindi ko na sinasabi, hindi na para magkaroon tayo ng conversation about it. Kasi, nawala na 'yung ano ko sa'yo 'yung thinking ko na pure 'yung intention mo sa akin. Kasi, akala ko friendship lang pala 'yung gusto mo, pero underlying meron palang parang may iba kang intensyon na hindi naman friendship lang.”
Sabay tanong ni Tuesday sa resource person, “So Faith, ang tanong ko, si Buboy ba tong tinutukoy mo?”
Depensa ni Vice Chair Buboy, “Uy, hindi ah! Totoo ako.” Sabay paliwanag, “Isa sa mga 'what if' ko nga siya e. Hindi talaga. Alam mo kahit ganito ako mahiyain din ako. Talagang sinasabi ko, what if kung nag-jump ako nun.”
Sabat ng Sparkle actress, “E, bakit hindi ka nag-jump? 'Di ba! Bakit hindi ka nag-jump, ngayon wala na may jowa ka na.”
Napatawa si Buboy ng malakas at sinabing, “Basta nire-respeto ko kung anong meron tayo. Siyempre nire-respeto kita, Faith.”
Agree din naman si Faith at sinabi rin na, “I respect you Buboy.”
May sinabi ring nakakilig na mensahe si Buboy kay Faith na hindi raw nakapagtataka na bakit may nai-in love sa kanya.
“'Yung sinasabi mo na nai-in love sa'yo. Alam mo kung bakit? Kasi, ka-in love in love ka talaga. 'Yun 'yun, totoo 'yun.”
Samantala, may inamin si Faith sa “Executive Whisper” portion ng Your Honor tungkol sa kanila ni Vice Chair nung mga bata pa sila.
Pagbabalik-tanaw ng sexy comedienne, “Nung bata pa lang kami nito ni Buboy hindi ko talaga alam kung natatandaan niya. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Siguro seven years old yata or eight years old. Tapos meron mga artista na parang pinagti-tripan-tripan kami ganyan. Tapos parang, sinabi nila sa akin na i-kiss ko daw si Buboy [points on her cheek] dito, e, eight years old pa lang kami. Tapos, kiniss ko siya 'tapos kilig na kilig talaga ako.”
RELATED CONTENT: GET TO KNOW SPARKLE ACTRESS FAITH DA SILVA