Roi Vinzon, over ang paghanga kay Richard Gutierrez sa 'Overtime' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Lubos na pinahanga ni Richard Gutierrez ang batikang aktor na si Roi Vinzon sa husay nito sa fight scenes.

Roi Vinzon, over ang paghanga kay Richard Gutierrez sa 'Overtime'

By ANN CHARMAINE AQUINO



 
Sa pagbabalik pelikula ng aktor na si Roi Vinzon, makakasama niya sina Richard Gutierrez at Lauren Young sa Pinoy thriller na Overtime. Kailan lang ay ibinahagi ni Roi na sa isang eksena, nakaramdam umano ng takot si Lauren sa kanya. Ngayon naman ibinahagi ng aktor ang eksenang nagmarka sa kanya habang binubuo ang pelikula.
 
Noong contract signing ni Roi, ibinahagi niya na isa sa mga gusto niyang makatrabaho ay si Richard Gutierrez at ito ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang proyekto.
 
Kuwento ni Roi, ang eksena nila ni Richard umano ang pinaka-memorable sa kanya.
 
“[Ang pinaka-memorable na eksenang ginawa ko sa Overtime] ‘yung kaming dalawa ni Richard doon sa elevator. Medyo may splatter.”
 
Dahil maituturing ng professional si Roi sa mundo ng action films, masasabi niyang mahusay na rin si Richard pagdating sa stunts. Dagdag ni Roi, mas humanga raw siya ngayon na nagkatrabaho na sila at nakita na niya mismo kung paano nag-perform si Richard sa mga fight scenes. 
 
Abangan si Roi Vinzon bilang Mr. Alonzo at panoorin kung sino ang sasabog sa Overtime on July 2.