Nasaktan ng over! | GMANetwork.com - Pictures - Articles

“Masakit ang ginawa sa akin ni Richard dito. Hindi ako tinirahan ng laman”, Roi Vinzon on his role in 'Overtime.'

Nasaktan ng over!

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

 
Masayang masaya si Roi Vinzon sa kanyang pagbabalik pelikula lalo na’t isang suspense-thriller film ang kanyang ginawa under GMA films. Ano kaya ang kanyang role niya sa Overtime?
 
Ayon kay Roi, siya ay gaganap bilang Mr. Alonzo, ang boss ni Jody na gagampanan naman ng lead actress na si Lauren Young. Ang kanyang role na Mr. Alonzo umano ay may malaking impact sa takbo ng buhay ng mga tao sa Overtime.
 
Pahayag ng aktor, “Tinatanggihan ko ‘yung kasamaan dito pero bandang huli [iba na].”
Para kay Roi, matindi ang kanilang paghahanda ni Richard para sa Overtime, kaya dapat itong panoorin.
 
“Sa trailer medyo okay na, pero masakit ang ginawa sa akin ni Richard dito. Hindi ako tinirahan ng laman, ganoon,” saad niya.
 
Kailan lang ay nagpahayag si Roi ng kanyang paghanga kay Richard. Kaya naman natutuwa si Roi na natuloy na ang pagsasama nila ni Richard sa proyektong ito.
 
Aniya, “Binigyan ako ng pagkakataon sa Channel 7 na gumawa ng ganitong klase. Sabi ko, Richard, okay [payag ako sa project] action anytime.”