Renz Valerio umaming na-excite makasama si Lauren Young sa 'Overtime' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Malayo na ang narating ng young actor ni si Renz Valerio sa showbiz. Ilang proyekto na ang kanyang nagawa sa GMA, at ngayon ay makakasama niya ang ilan sa kanyang mga iniidolo sa pelikulang ‘Overtime’.

Renz Valerio umaming na-excite makasama si Lauren Young sa 'Overtime'

By ANN CHARMAINE AQUINO



Malayo na ang narating ng young actor ni si Renz Valerio sa showbiz. Ilang proyekto na ang kanyang nagawa sa GMA, at ngayon ay makakasama niya ang ilan sa kanyang mga iniidolo sa pelikulang ‘Overtime’.

Ayon kay Renz, nakaka-relate siya sa kanyang karakter na Brian Amistoso dahil pareho umano silang bunso.

“Unang-una po kasi younger brother po ako ni Ate Lauren. Ako rin po kasi sa totoong buhay, ako rin po 'yung bunso sa family and ganoon rin, I love my sister very much,” saad ni Renz.

Naging inspiration niya umano ang kanyang personal na relasyon sa kapatid kaya nagampanan niya ang pagiging nakababatang kapatid ni Lauren sa pelikula. “Ganoon rin po ako sa Ate ko [sa Overtime]. Mahal na mahal ko rin po si Ate Jody [Lauren Young] dito, so parang ganoon rin 'yung gagawin ko,” dagdag ni Renz.

Hindi man ito ang kanyang unang pagkakataong makasama si Richard Gutierrez sa pelikula, na-excite pa rin si Renz rito. Aniya, “Very honored po, kasi si Kuya Richard nakasama ko na po siya dati sa My Bestfriend's Girlfriend, and sa Sugo, Kamandag. Kumbaga ngayon, magka-scene na po kami. Tapos kumbaga Richard Gutierrez ang makaka-scene ko so very honored po talaga ako”. Link: 

Inamin rin ni Renz na matagal niya ng fina-follow ang career ng kanyang Ate Lauren. Kuwento niya, natutuwa siya dahil marami siyang natutunan mula sa aktres. 

“Kilala ko na po siya sa mga teleserye and naririnig ko na po 'yung pangalan niya. Actually fina-follow ko na po siya kaya medyo na-excite ako na makasama siya,” pagtatapos ng batang aktor.