Mitch Valdez, over ang pasasalamat sa ‘Overtime’ | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Nakilala si Mitch Valdez sa kanyang mga stage performances sa Pilipinas at sa ibang bansa kaya’t isa siya sa mga Filipino artists na hinahangaan worldwide. Ano ba ang dapat abangan sa kanya sa upcoming suspense-thriller ng GMA Films na 'Overtime'? 

Mitch Valdez, over ang pasasalamat sa ‘Overtime’

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Nakilala si Mitch Valdez sa kanyang mga stage performances sa Pilipinas at sa ibang bansa kaya’t isa siya sa mga Filipino performers na hinahangaan worldwide. Ano ang nagpapayag sa kanya para gampanan ang karakter ni Lola Vi sa suspense-thriller ng GMA Films na Overtime?

Kuwento ni Mitch, lagi niyang hinihingi ang script upang magkaroon siya ng background tungkol sa project na kanyang gagawin. Dito siya nagdedesisyon kung papayag ba siya sa isang proyekto.

Aniya, “Ang ganda ganda ng script [ng Overtime]. And 'yung role [ko], senior citizen na policewoman na ni-retire na walang nagawa sa buhay.

“Tapos, nakakita siya ng crime na [naroon] ang super good looking na si Richard Gutierrez,” napangiting dagdag ni Mitch.

Masayang masaya umano siya dahil sa Overtime, nagkaroon siya ng pagkakataon makasama si Richard at iba pang mga artista from the next generation.

Pahayag niya, “fortunate ako na mayroon akong naka-eksena tulad ng dalawang ito (Bearwin Meily and Roadfill). Talaga namang enjoy every moment of the shoot”.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mitch na napasama siya sa proyektong ito. Aniya, “Thank you for the opportunity and yes, the movie is very excellent. Manood sana kayo”.