Dingdong Dantes, naaksidente sa set ng ‘Kubot’ | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon kay Direk Erik Matti, ginawa daw ni Dingdong Dantes ang lahat ng kanyang fight scenes sa pelikula. Ang katauhan niya bilang si Makoy ang muling bibida rito sa sequel ng ‘Tiktik’.” Ngunit, may isa raw eksena ang aktor na halos hindi nagawa dahil sa isang aksidente.

Dingdong Dantes, naaksidente sa set ng ‘Kubot’

By CHERRY SUN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Isang mas ambisyosong pelikula raw ang matutunghayan ng mga manonood sa ikalawang pelikula ng 'The Aswang Chronicles', ang ‘Kubot.’

Isa sa mga tinutukang mas pagandahin at pagbuthin ng production ay ang action scenes ng pelikula.

Ani Direk Erik Matti, “Hindi kami masyadong dumadaya. Alam mo ‘yun, ‘yung madayang action na maraming intercuts. This one we challenged ourselves mostly, most of the fight scenes we do it with one camera. And that’s really hard to do, with all the rigs, may crane pa.”

Ginawa rin daw ni Dingdong Dantes ang lahat ng kanyang fight scenes para sa pelikula. Ang katauhan niya bilang si Makoy ang muling bibida rito sa sequel ng ‘Tiktik’.”

Ngunit, may isa raw eksena ang aktor na halos hindi nagawa dahil sa isang aksidente.

“Gumagawa kami ng action scene tapos medyo madaling araw na ‘yun, hindi nakisama ‘yung kahoy. Kasi may mga kasamang kahoy ‘yun eh,” kwento ni Dingdong.

Dahil dito ay nagtamo siya ng malalim na sugat sa kamay. Naging mahinahon si Dingdong at siya pa mismo ang nagdala sa kanyang sarili sa ospital. Kinailangan daw ng siyam na tahi ang kanyang sugat.

Lalo namang humanga si Direk Erik sa aktor.

Aniya, “For other actors, nagwala na ‘yan sa set siguro, nagmumura na siguro doon bakit nangyari ‘yun. But of course, everyone tries as much as they could. He understood that, na lahat ng tao is there for that scene. It’s just that accidents happen.”

Sa ngayon, malapit nang maghilom ang sugat ni Dingdong at patuloy pa rin ang kanilang shooting para sa pelikula.