Ang mga babae sa buhay ni Makoy | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Si Makoy man ang bida sa pagbabalik ng 'The Aswang Chronicles' sa pelikulang 'Kubot' ay hindi naman magpapatalo ang mga babae na may mahahalagang ginagampanan sa buhay niya.

Ang mga babae sa buhay ni Makoy

By CHERRY SUN

Si Makoy man ang bida sa pagbabalik ng The Aswang Chronicles sa pelikulang Kubot ay hindi naman magpapatalo ang mga babae na may mahahalagang ginagampanan sa buhay niya.

Isabelle Daza bilang Lex
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Gaganap si Isabelle bilang isang doktor na may lihim. Siya rin ang bagong makakatambal ng karakter ni Dingdong sa pelikula.

Kwento niya, “I’m his partner and we’re kicking ass together, kicking aswang ass together. Here, his character’s a jerk eh so me naman, I’m a strong, tough one so parang we’re both kinda trying to get along.”

“I really like this movie because sobrang challenging niya. I did all my stunts. It was really painstaking and masakit sa katawan, but I loved it. We had some scenes na were a bit dramatic. It was very very difficult also. I’m excited na ito ‘yung first MMFF entry ko kasi I think it’s a great movie. It’s a great project and I’m working with the best - Direk Erik, Dingdong, the whole cast. I’m excited to watch the movie myself,” dagdag niya.

Lotlot de Leon bilang Nieves
PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com

Kung sa Tiktik ay pamilya ni Sonya ang nakilala ng mga manonood, ipinakikilala naman ni Direk Erik sa peklikulang Kubot ang pamilya ni Makoy.

Si Lotlot ang gaganap na kapatid ni Makoy ngunit ibang iba raw ito sa mga nagampanan niyang mga katauhan.

Aniya, “This is really something new for me kasi ang normal ko kasi eh umiyak ng umiyak sa lahat ata ng ginagawa kong pelikula o serye. Pero ngayon eh comedy ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa, lalo na si Kuya Joey ang lagi kong ka-eksena.”

“Parang masasabi kong nag-full circle na ‘yung pagiging artista ko kahit papano kasi ngayon nagawa ko na lahat. Nag-comedy na rin ako. I was really guided very well by Direk Erik and sobrang saya na nagawa ko ‘tong pelikulang ‘to at silang lahat ang kasama ko. ‘Yun ang kailangan nilang abangan, ‘yung pagiging komedyante ko.”

Hanna Ledesma bilang Sonya

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Sina Direk Erik Matti, Dondon Monteverde ng Reality Entertainment at mismong si Dingdong Dantes ang pumili kay Hanna para gampanan ang katauhan ni Sonya.

Bago man sa industriya ay napahanga sila ng aktres. Kuwento ni Direk Erik, “Syempre gulat siya na ganun kadugo ‘yung gagawin, hindi lang siya parang nasa restaurant na nagkwekwentuhan ‘di ba. Very physical ‘yung eksena niya eh. Good thing na game siya and she saw how difficult it was to make a movie kasi ‘yung scene lang niya na ‘yun, ‘yung bus na eksena na ‘yun, mag-a-apat na araw na. It’s a difficult scene and good thing she’s ready for it.”

Pagpapakilala naman ni Hanna, “She has a very short part but it’s her part that will set Dingdong’s tone for the rest of the film. So let’s just see what happens to her. Her character will affect Dingdong’s character for this second film, the way he’ll be projecting himself for this film.”