'They have an effect on each other'- Direk Mike Tuviera on AlDub | GMANetwork.com - Films - Articles

Hindi lang on-cam ang kilig na dala ni Alden at Maine, maski behind the scenes, iba ang closeness ng dalawa. 

"They have an effect on each other"- Direk Mike Tuviera on AlDub

By CHERRY SUN

Ikinuwento ni Direk Mike Tuviera na magkaibang hamon ang kanyang hinarap sa pagiging direktor nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa pelikulang Imagine You & Me.

Bahagi ni Direk Mike tungkol sa Pambansang Bae, “From the very beginning, the moment I handed them the script, sinabi ko kay Alden, ‘Alden, nasa ’yo ‘yung mas mataas na degree of difficulty.’”

“’Kumbaga, parang sa Olympics, sa’yo ‘yung mas mahirap na maneuver because more is expected of you in terms of acting skill. You’ve been doing this longer than Maine,’” patuloy niya.

Taliwas naman sa inaakala ni Maine na kakulangan sa pag-arte, ang hiningi lamang sa kanya ng direktor ay mag-relax sa shoot.

“For Maine, it’s just to relax. She’s always nervous. She’s very hard on herself. Ang taas ng standards [niya], perfectionist siya in a way,” ani Direk Mike.

“But there’s only one person who can make her feel comfortable, who can make her relaxed pag nininerbiyos siya and that’s Alden,” dagdag niya.

Sa katunayan ay tuwing aasistihan ni Direk Mike si Maine sa mga eksena ay kay Alden siya humihingi ng tulong.

“Ewan ko ba sa dalawang ‘to. They really have an effect on each other” sambit ng direktor.

Ipinaliwanag naman ni Alden kung paano ang naging working relationship nila ng kanyang katambal.

“Hindi po siya nagdalawang-isip na mag-open up sa akin every time I ask something, kung anong problema ganyan. In that way po kasi parang she’s allowing me to help her. So in a way po ‘yun ‘yung isang bagay na naa-appreciate ko sa kanya. Wala po siyang taong pinahirapan sa set,” wika niya.

MORE ON IMAGINE YOU & ME:

EXCLUSIVE: At the press conference of Imagine You & Me 

READ: Alden Richards at Maine Mendoza, nakaka-relate kina Andrew at Gara ng Imagine You & Me 

LOOK: Imagine You & Me, may international screening