Jasmine Curtis, ikinuwento kung paano nakasali sa 'Imagine You & Me' | GMANetwork.com - Films - Articles

Hindi raw regular na scene kung hindi ang pinakamahirap ang ipinabasa ni Direk Mike kay Jasmine ngunit agad daw silang napabilib ng aktres.

Jasmine Curtis, ikinuwento kung paano nakasali sa 'Imagine You & Me'

By CHERRY SUN

Noong una ay naging usap-usapan kung kasama nga ba sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza si Jasmine Curtis. At ngayong kumpirmado na na kabilang siya sa Imagine You & Me, ikinuwento ng aktres ang kanyang naging karanasan para makasama sa pelikula.
 
SPOTTED: Jasmine Curtis hangs out with AlDub in Italy
 
Nakatanggap si Jasmine ng imbitasyon mula sa APT Entertainment, at kahit may naudlot siyang proyekto kasama ito, masaya siya na siya ang naisip bilang isa sa mga cast members ng AlDub movie.
 
“It’s a blessing and two, not only in terms of work but in terms of the casting. It’s gonna be a huge film and to be part of it alone, malaking blessing na ‘yun sa akin and of course with the two, AlDub also, iba ‘yung makasama ko si Maine and Alden because they’re the leading stars right now of this country,” sambit ng aktres.
 
Ayon naman kay Direk Mike Tuviera, inimbitahan niya si Jasmine dahil kabilang siya sa kanyang dream cast.
 
Wika niya, “Kasi it’s already a dream for me to work with Alden and Maine. Sabi ko, if I would be blessed to have a dream cast aside from the two of them, why not. Suntok sa buwan na lang talaga actually si Jasmine kasi when we had her read I wasn’t sure she was going to accept it.”
 
Hindi raw regular na scene kung hindi ang pinakamahirap ang ipinabasa ni Direk Mike sa kanya ngunit agad daw silang napabilib ng aktres.
 
“Binigay ko na sa kanya pinakamahirap na eksena na gagawin niya and she did it perfectly. So sabi ko right after the reading, sabi ko, ‘Jas, upo ka muna, mag-usap tayo.’ Kasi she had no official knowledge kung sino ‘yung kasama niya sa pelikula eh. She was just reading a role. Hindi niya alam kung sino kasi at that time, we were trying to keep it confidential,” kuwento ni Direk Mike.
 
“After her performance, after her reading, sabi ko, ‘Jas, mag-usap tayo. I think you have to know this.’ Medyo sinuwerte rin, so ‘yun na nga at the end of the day, everything fell into place,” patuloy niya.
 
MORE ON 'IMAGINE YOU & ME':
 
EXCLUSIVE: At the press conference of 'Imagine You & Me'
 
LOOK: 'Imagine You & Me' stickers, available na sa Viber
 
READ: "They have an effect on each other"- Direk Mike Tuviera on AlDub