Ruru Madrid, bakit dalawang beses pinanood ang pelikula nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro? | GMANetwork.com - Films - Articles

Todo suporta si Ruru Madrid kina Valeen Montenegro at Jerald Napoles, ang dalawang lead stars sa pelikulang 'The Write Moment.'

Ruru Madrid, bakit dalawang beses pinanood ang pelikula nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro?

By BIANCA GELI

 

Todo suporta si Ruru Madrid kina Valeen Montenegro at Jerald Napoles, ang dalawang lead stars sa pelikulang The Write Moment.

Sa Instagram, nag-post si Ruru ng mensahe ng suporta para kina Valeen at Jerald at inamin niyang dalawang beses niya nang napanood ang The Write Moment.

Aniya, “Dalawa sa mga pinakamahal kong tao sa industriya ay may pelikula! Dapat lang na panoorin nating lahat ‘to dahil siguradong magugustuhan natin ito.”

“Dalawang beses na akong nagkaroon ng pagkakataon na makita itong pelikula na ito pero hanggang ngayon gusto ko pa rin siya mapanood dahil gusto ko pang tumawa nang malakas, kiligin, maluha at higit sa lahat matuto sa mga cheeesyyy lines ni Je sa movie. Bukas na po yan, The Write Moment, showing po 'yan in all cinemas nationwide!”

WATCH: Ruru Madrid, hinubaran sa 'Sunday PinaSaya!'