LOOK: Michael V, impressed with latest MCU film | GMANetwork.com - Films - Articles

Maganda ang simula ng linggo ng Kapuso genius na si Michael V dahil napanood na niya at ng kanyang buong pamilya ang 'AntMan and the Wasp.'

LOOK: Michael V, impressed with latest MCU film

By OWEN ALCARAZ

Maganda ang simula ng linggo ng Kapuso genius na si Michael V dahil napanood na niya at ng kanyang buong pamilya ang latest na Marvel Comics Universe translated into film, ang AntMan and the Wasp.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Michael V ang kanyang impressions sa nasabing pelikula. "GANDAAAA! Weakness ko talaga ‘yung mix ng comedy, action, drama, and special effects and this movie has it all! Galing ng cast! Bukod do’n, it ties up DIRECTLY with #InfinityWar." 

 

Hindi lingid sa nakararami na avid fan si Michael V ng Marvel. Matatandaan din na itong taon na ito, nagkaroon ng pagkakataon ang Kapuso star na ma-interview ang mga sikat na aktor na gumaganap sa mga MCU movies na sina Karen Gillan (Nebula), Benedict Cumberbatch (Dr. Strange) at Robert Downey Jr. (Iron Man).

Sa huli, nag-iwan ng tip para sa ibang movie goers si Michael V na tapusin aniya ang credits. Kilala kasi ang MCU films na nagbibigay ng bonus clip sa dulo ng pelikula.