LOOK: Edgar Allan Guzman, prinsipe sa pelikulang 'Pinay Beauty' | GMANetwork.com - Films - Articles

Muling mapapanood sa big screen si Kapuso star Edgar Allan Guzman sa kanyang pagbibidahang pelikula na 'Pinay Beauty' na isang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

LOOK: Edgar Allan Guzman, prinsipe sa pelikulang 'Pinay Beauty'

By BEA RODRIGUEZ

 

Isang post na ibinahagi ni EA Guzman (@ea_guzman) noong

 

Muling mapapanood sa big screen si Kapuso star Edgar Allan Guzman sa kanyang pagbibidahang pelikula na Pinay Beauty na isang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong Agosto 15-22.

Malaki ang pasasalamat ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 Best Supporting Actor na mapabilang sa proyekto, “Lord, thy will be done. Thank you for your continuous blessings.”

Mala-fairytale ang kuwento nina Migs (Edgar Allan Guzman) at Annie (Chai Fonacier). Tutuparin ng prinsipe ang hiling ng kanyang prinsesang magparetoke sa halagang PHP 180,000.00. Malalagay sa alanganin ang binata kaya to the rescue ang kanyang barkada!

Matupad kaya ang happily ever after nila?