WATCH: Glaiza de Castro, naluha sa screening ng pelikulang 'Liway' | GMANetwork.com - Films - Articles

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng 'Contessa' star ang kanyang naramdaman nang mapanood ang kanyang pelikulang 'Liway.' Alamin ang detalye sa article na ito.

WATCH: Glaiza de Castro, naluha sa screening ng pelikulang 'Liway'

By MICHELLE CALIGAN

Hindi napigilan ni Glaiza de Castro ang maging emotional sa screening ng kanyang pinagbibidahang pelikula na Liway. Official entry ito sa Cinemalaya Independent Film Festival na kasalukuyang ginaganap hanggang August 12, 2018.

LOOK: Glaiza De Castro stars in this year's Cinemalaya entry 'Liway'

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ng Contessa star ang kanyang naramdaman nang mapanood ang pelikula.


Aniya, "Hindi ko ma-explain kung paano at ano'ng nangyari, ang suryal lang. Hindi ko maiwasang hindi maluha hindi lang dahil natapos namin yung pelikula, hindi lang dahil napanood namin siya. Pero dahil dito, sa mga taong tumayo, pumalakpak, umiyak, tumawa at yumakap. Lalo na ang totoong Kumander Liway. Direk Kip Oebanda at sa lahat ng bumubuo ng Liway, isang mahigpit na akap at walang hanggang pasasalamat (parang kanta lang). Ngayon, parang sakto atang sabihin na 'God was with us when we did it.' Pasensya na, hindi ako makatulog."

Bukod kay Glaiza, dalawang Kapuso stars pa ang mapapanood sa ibang Cinemalaya entries. Ito ay sina Aiai Delas Alas at Therese Malvar sa School Service at Distance.