Celebs congratulate Glaiza de Castro for the success of her Cinemalaya movie 'Liway' | GMANetwork.com - Films - Articles

Bumuhos ang emosyon ni Glaiza de Castro nang ibahagi niya ang kaniyang nararamdaman sa success na tinatamo ng Cinemalaya 2018 movie na ‘Liway.’

Celebs congratulate Glaiza de Castro for the success of her Cinemalaya movie 'Liway'

By AEDRIANNE ACAR

Bumuhos ang emosyon ng Contessa star na si Glaiza de Castro sa Instagram nang ibahagi niya ang kaniyang nararamdaman sa success na tinatamo ng Cinemalaya 2018 movie na ‘Liway.’

Sa isang video na in-upload niya sa social media site, ipinakita ng Kapuso versatile actress ang masigabong palakpakan at standing ovation na natanggap nila matapos ang screening.

Saad ni Glaiza, “Hindi ko ma-explain kung paano at ano'ng nangyari, ang suryal lang. Hindi ko maiwasang hindi maluha hindi lang dahil natapos namin 'yung pelikula, hindi lang dahil napanood namin siya.

“Pero dahil dito, sa mga taong tumayo, pumalakpak, umiyak, tumawa at yumakap. Lalo na ang totoong Kumander Liway. Direk @kipoebanda at sa lahat ng bumubuo ng Liway, isang mahigpit na akap at walang hanggang pasasalamat (parang kanta lang). Ngayon, parang sakto atang sabihin na "God was with us when we did it." Pasensya na, hindi ako makatulog.”

Dinirehe ni Kip Oebanda ang naturang pelikula kung saan tampok din si Kapuso actor Dominic Roco.


Sunod-sunod din ang natanggap na papuri ni Glaiza mula sa kapwa niya celebrities sa mainit na suporta ng mga tao sa Liway.