Michael V. on the CEB review: 'Hindi ko inaasahan talaga' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Michael V. ngayong hapon, July 17, sinabi nito na ‘hindi niya inaasahan’ ang stellar review from the evaluation board. Read more:

Michael V. on the CEB review: "Hindi ko inaasahan talaga"

By AEDRIANNE ACAR

Mas determinado ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa pag-promote ng ‘Family History,’ matapos lumabas ang review ng Cinema Evaluation Board (CEB) kung saan nabigyan ng “B” rating ang pelikula.

 

Michael V.
Michael V.

 

Bumuhos din ang magagandang review mula sa CEB na tinawag ang “Family History’ na ‘must see movie for everyone.’

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Direk Michael ngayong hapon, July 17 matapos ang guesting niya sa Stand For Truth, sinabi nito na ‘hindi niya inaasahan’ ang stellar review from the evaluation board.

Aniya, “Nakakataba talaga ng puso kasi unang-una hindi ko inaasahan talaga ‘to.

"Para makarinig ka ng mga ganung papuri galing sa Cinema Evaluation Board, ito ay mga eksperto pagdating sa mga ganyan, ang dami nilang sinasala mga pelikula every single day,'yung mapansin ka at mabigyan ka ng ganung komento at saka praise napakalaking bagay para sa akin. Unang-una as an artista, pangalawa sa producer tapos as director din as well.”

CEB gives 'Family History' 'B' grade, lauds BiDawn for performance

Michael V. treats GMA-7 employees to an advanced screening of 'Family History'

Sunod-sunod din ang mall show ng cast ng Family History sa mga probinsya ilang araw bago ito ipalabas sa sinehan sa July 24.

 

 

 

Ayon kay Bitoy, goal nila ng buong cast na maraming ma-enganyo na moviegoers na panoorin ang pelikula kaya naman dinadayo nila ang mga Kapuso sa malalayong lugar.

Wika niya, “Ang objective namin is mapanood talaga ng maraming tao. It doesn’t matter how, it doesn’t matter when or where. Pero, sana during the time na ipapalabas namin sa mga sinehan ang Family History.

“Kasi isa siyang napakagandang pelikula na masarap siyang i-share, masarap namnamin 'pag pinapanood mo at nasisiguro namin marami ang makakarelate sa istorya,” pagtatapos ng aktor.