gabru

THE GRADUATES OF 2015: RURU MADRID ASPIRES TO BE A DIRECTOR

Mar 18, 2015 19:47 pm

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Kung ang pangarap ng kanyang ka-love team na si Gabbi Garcia ay maging isang piloto, ang pagiging isang film director naman ang target ni Ruru Madrid. Tulad ng kanyang Let The Love Begin leading lady, magtatapos na rin sa high school ang young actor mula sa National Christian Life College (NCLC), Marikina.

READ: GabRu feels surreal on having a new show
 
In an exclusive interview with GMANetwork.com, the Protege Season 2 finalist shared his excitement as his graduation day draws near.

"Sobrang masaya ako na makakapagtapos na ako. Siyempre iba pa rin po 'yung may hawak kang diploma, kasi importante po 'yun. Kailangan din namin 'yun."
 
Very grateful din siya sa NCLC dahil inintindi nito ang kanyang sitwasyon bilang isang artista na pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral.
 
"Sobrang saya ko lang dahil sobrang bait sa akin ng school ko dahil kahit sobrang hirap na hirap ako sa schedule ko para pumasok lang sa eskwelahan, binibigyan nila lagi ako ng chance. Parang binibigay nila sa akin 'yung mas mapapadali 'yung buhay ko, ang hirap kasi talaga pagsabayin."
 
Nang tanungin si Ruru kung ano'ng kurso ang balak niyang kunin sa college, ito ang naging mabilis na sagot ng aktor.
 
"Gusto ko talaga film. Andito na rin ako sa field na ito, and hindi naman po habambuhay ay magiging artista ako. Andito na rin ako, eh 'di magdi-direct na rin ako. Gusto kong gumawa ng pelikula kasi simula nang maging artista ako, doon na namulat ang sarili ko. Doon ko na-realize na sobrang ganda pala ng art na ganito. Naisip ko rin na sana makagawa ako ng pelikula someday."

STORIES