gabru

GABRU FEELS SURREAL ON HAVING A NEW SHOW

Mar 17, 2015 00:31 am

By MICHELLE ALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
Parehong kinakabahan at excited sina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, o GabRu, sa kanilang upcoming teleserye na Let The Love Begin. Pagkatapos nilang maging bahagi ng My Destiny at Seasons of Love, bibida ang dalawa sa kanilang kauna-unahang primetime series.
 
"Napaka-surreal pa ng lahat. Unang una sa lahat, hindi naman namin in-expect na after My Destiny ay bibigyan agad kami ng new show," pahayag ni Gabbi, who recently went to her graduation ball.
 
Dagdag pa ng aspiring pilot, "It's always fun naman working with Ruru, so looking forward ako to more experiences with him in terms of work. And also ang viewers, alam ko excited na rin sila. Nae-excite din kami na gawin 'tong show na 'to and this is for them."
 
Para naman sa kanyang katambal na si Ruru, mas nararamdaman daw niya ang excitement kaysa pressure at kaba.
 
"Sobrang nakakakaba din pero mas nangingibabaw po 'yung excitement kasi matagal ko nang pinapangarap 'to, matagal ko nang gustong makamit ang bagay na 'to. And ito na nga siya, so bibigay ko na lang talaga ang best ko dito ang talagang sisiguraduhin ko na bawat eksena na ibibigay ko ay ang pinaka-best ko."
 
Pagdating naman sa pressure ng pagbibida sa isang primetime show, ito ang nasabi ng GabRu.
 
"Siguro 'yung pressure, more on the challenging part. Natsa-challenge kami na mas pagandahin pa 'yung love team namin para sa mga tao. And na-challenge kami in terms of our talent, of our acting skills," saad ni Gabbi.
 
Ayon naman kay Ruru, "'Yung pressure siguro kailangan naman namin 'yan para ma-remind 'yung sarili namin na huwag kaming maging kampante."
 
Abangan ang GabRu sa Let The Love Begin, malapit na sa GMA Telebabad.

STORIES