Royal Couple, may wedding planner at florist na

Aug 20, 2014 14:51 pm

By SAMANTHA PORTILLO

Tuloy-tuloy ang paghahanda para sa Royal Wedding na magaganap sa December 30. Sina Dong at Yan, hindi na maitago ang kanilang excitement. Ano kaya ang napili nilang theme?

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung ano ang magiging overall look ng Royal Wedding, pero nagpost ang Royal Couple ng photos sa kani-kanilang Instagram account kung saan nakipagkita sila sa kanilang magiging wedding planner at florist.

Si Teena Barretto ang napiling wedding coordinator ng Royal Couple. Narito ang post ni Marian noong nagkita sila.



Narito naman ang post ni Marian kasama ang florist nila na si Mia Lozada. Gandang-ganda si Marian sa mga red, pink at white flowers na ipinakita sa kanya. Aniya, “This is my weakness... I really love flowers! I wish I could be surrounded by flowers like these every single day! Wahahahaha  Thanks to Mia, our wonderful florist!”



Dumalo din ang Royal Couple sa birthday celebration ng sikat na fashion designer na si Randy Ortiz. Siya na kaya ang gagawa ng wedding gown ng Primetime Queen?



Siguradong magiging engrande at talagang kaabang-abang ang biggest wedding of the year!