The Royal Couple stars in a Rivermaya music video

Aug 25, 2014 14:46 pm

Sweet na sweet sina Dong at Yan sa music video na kanilang pinagbidahan kamakailan lang.
 
Ayon sa report ni Luane Dy sa Balitanghali, parang pre-nuptial video na ng Royal Couple ang music video. Ito ay para sa third single ng Rivermaya na pinamagatang "Tayo lang dalawa." Excited si Dingdong dahil ngayon lang ulit sila nagkatrabaho ni Marian. 
 
Kumpleto na rin ang Royal List ng kanilang entourage at mga ninong at ninang na malapit na nilang ianunsiyo sa publiko.  
 
Ang Royal Wedding ay magaganap sa December 30 at the Immaculate Conception Cathedral. 

Silipin din ang behind-the-scenes photos ng music video sa link na ito.