Hello Kitty-inspired bridal shower for Marian's third

Oct 19, 2014 07:42 am

By AEDRIANNE ACAR

 
Pink at Hello Kitty-inspired ang third bridal shower ng Primetime Queen Marian Rivera na ginawa sa isang nail spa. In-organize ng maid of honor ni Marian na si Roxanne Barcelo at wedding coordinator na si Teena Barretto ang nasabing event. 
 
Ayon sa panayam ng 24 Oras kay Marian, hindi maitago ng aktres ang kanyang kasiyahan nang nakasama niya muli ang mga kaibigang matagal na niyang hindi nakita.
 
“Kanina habang dumadating ‘tong mga bisita ko, kinikilig ako kasi napagsama-sama sila dito sa bridal shower ko na ang tagal ko na rin hindi nakikita. Mayroon ako diyan ‘yung friend ko five years kong hindi nakita pero nandito.” 
 
Dumalo sa bridal shower na ito ang mga naglalakihang celebrities tulad nila Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, ang co-star niya sa Carmela na si Krystal Reyes, Diva Montelaba , Ms. Rita Avila, Katrina Halili, Sarah Lahbati, Bettinna Carlos, Andrea Torres, Glaiza de Castro, LJ Reyes, Diana Zubiri, Ayen Munji-Laurel, Rochelle Pangilinan, Luane Dy, John Lapus, Angelica Panganiban at Gigi Gonzales. 
 
Ang unang bridal shower ni Marian ay ginanap sa Hong Kong noong nakaraang buwan. At pagkabalik naman nito sa bansa, naganap ang second bridal shower niya sa isang mall sa Alabang noong September 27.