Arriba for Marian's Español-themed bridal shower

Nov 23, 2014 11:53 am

By AEDRIANNE ACAR

Matapos ang bonggang fourth bridal shower ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa Singapore last week, ginanap naman sa Crimson Hotel Filinvest City, Manila ang ika-lima niyang bridal shower na handog ng veteran actress at ninang niya sa kasal na si Ms. Celia Rodriguez. 

Sa post ni Marian sa kanyang Instagram ng Linggo ng hapon, hindi nito maitago ang excitement sa Spanish-themed bridal shower niya. 

Aniya, “Thank you Tita Celia ♥ muah #5thbridalshowerniYan@CrimsonHotel #PresidentialSuite #HappyBride”


 

Thank you Tita Celia ?? muah ???? #5thbridalshowerniYan@CrimsonHotel #PresidentialSuite ???????????? #HappyBride????

Ein von Marian Rivera Gracia (@therealmarian) gepostetes Foto am




 

Off to #5thbridalshowerniYan ???????????? #journeytoDday ??

A photo posted by Marian Rivera Gracia (@therealmarian) on


Sa post naman ng mga fans ng Kapuso primetime couple na The Official Dongyanatics sa Facebook, isa sa mga celebrities na dumalo sa fifth bridal shower ni Marian ang Kapuso comedian na si Boobay. 



Parehong nakatrabaho ni Ms. Celia sina Dingdong at Marian. Taong 2009 ng makasama ng Primetime Queen si Ms. Celia sa Mars Ravelo classic na Darna, at si Dong naman ay naging co-star niya sa  You Pare noong 2011. 

Ginanap ang unang bridal shower ni Marian sa Hongkong kung saan kasama niya ang kanyang ina, lola at malalapit na kaibigan. 

Ang ikalawa naman ay isang surprise bridal shower sa isang mall sa Alabang noong Setyembre, at noong nakaraang buwan naman nagsama-sama ang ilan sa mga kaibigan niya mula sa rival networks para sa isang Hello Kitty-inspired nail spa party.