Rehearsal dinner for the DongYan wedding

Dec 19, 2014 19:58 pm

By CHERRY SUN
 
Nakasalo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang mga abay para sa isang rehearsal dinner kagabi.
 
 

My Best girls... ???? #JourneytoDDay?? @marian_ootd

A photo posted by Marian Rivera Gracia (@therealmarian) on

 
Kuwento ng Kapuso Primetime Royal Couple sa Unang Hirit ay pagkakataon daw ito upang lalong magkakilala ang bridesmaids ni Marian at groomsmen ni Dingdong. Pinag-usapan din ang mga kailangang gawin para sa nalalapit nilang wedding.

"May mga kaibigan ako na hindi kilala 'yung isa so ito 'yung tamang panahon para magkakila-kilala rin sila. Para at least pagdating ng wedding, magkakakilala sila," kuwento ni Marian.

"First time na magkikita-kita sila para maipaliwanag ang mga gagawin nila sa araw na 'yun dahil siyempre, medyo madami sila. Kaya magandang maging klaro lahat nung mga detalye, lahat nung instructions para walang maligaw sa araw na 'yun," dagdag ni Dingdong. 
 
Ilan sa mga dumalo sa nasabing pre-wedding ceremony sa Kitchen’s Best Home Patisserie ay sina Paolo Contis, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, Carlo Gonzales, Bettinna Carlos, Joylyn Santos, Gigi Uson, Carol Galve at ilang kamag-anak ni Dingdong Dantes.
 

Ang rehearsal dinner ay isang tradisyonal na pagtitipon ng mga pamilya ng ikakasal at kanilang wedding party. Kadalasan din itong ginaganap sa gabi bago ng kasal.