"Preparing for the wedding excites me," says Dingdong.

Dec 21, 2014 20:45 pm

By AEDRIANNE ACAR
 
Kapuso Primetime King Dingdong Dantes is just days away from marrying the love of his life, Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
 
Kung ang ibang groom ay stressed dahil sa dami ng kailangan i-prepare bago ang kasal, hindi mababakas sa 'Kubot: The Aswang Chronicles 2,' lead star ang pressure na dala ng wedding preparations.
 
Sa panayam ng '24 Oras' kay Makoy ng 'Kubot,' sinabi nito na mas nangingibaw daw ang excitement habang papalapit ang December 30.
 
Ani ni Dong, “Siyempre may konti, pero it's really more of ‘yung mga tipong small na details na kailangan mo lang maayos 'di ba pero siyempre ‘yun ‘yung exciting about it. 'Di ba yung parang alam mo medyo may hindi pa 100% na ayos and you know everything will just unfold perfectly on the day itself."
 
Sobra pang pinakilig ni Dingdong ang mga fans nila ni Marian matapos ito mag-post sa Instagram ng mga bagong prenup photo nilang dalawa.
 
Sa katunayan may mahigit sa 14,700 likes (Sunday, as of 6:30 PM) na sa Instagram ang black and white photo nila kung saan hinalikan siya sa pisngi ng kanyang future wife.  

 
 
 
 

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on


Wala pa din daw silang final plan for their honeymoon pero napagkasunduan daw nila na pumunta sa isang lugar na hindi masyadong commercialized.
 
Busy din ang Kapuso Primetime King sa pag-promote sa Metro Manila Film Fest entry niya na 'Kubot: The Aswang Chronicles 2.'
 
Ipinagmalaki pa ng Kapuso actor na mabusisi daw ang pagkakagawa ng pelikula ito at blessing din daw para sa kanya na mabigyan ng chance na makasama sa film fest ngayong taon.
 
Aniya, “Just more reasons for me to celebrate dahil siyempre this one is truly a blessing na mabigyan ako ng chance to have a film fest entry and to be among very brilliant actors.”