Bakit ayaw dagdagan ni Dingdong ang nag-iisa niyang bachelor’s party?

Nov 25, 2014 12:40 pm

By CHERRY SUN
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Nakalima nang bridal shower  ang Kapuso bride-to-be na si Marian Rivera, samantalang ang mapapangasawa niyang si Dingdong Dantes ay isa pa lamang ang naganap na bachelor’s party.

Gayunpaman, kontento na raw ang Primetime King sa party niya na naganap sa Germany kasama ang kanyang mga kaibigan.

“Wala na, di na uso ‘yun,” natatawang sagot niya sa kung magkakaroon pa siya ng ibang bachelor's party.

“Itong [okasyon] naman is really for her. ‘Di ba parati kong sinasabi sa kanya na 'Itong okasyon na ito ay gusto ko ay ikaw ang maging pinakamasayang babae sa buong mundo sa araw na ‘yun',” paliwanag ni Dingdong.

Isang 1976 sedan ang kanyang pinaayos kamakailan upang gamitin bilang bridal car nila. 

“Isa sa mga unang kotse kung saan natuto rin ako mag-drive kahit papano. Ang may-ari talaga nun dati is ‘yung tita ko na kapatid ng mom ko, na magiging ninang. At pagktapos nun, maraming naging may-ari afterwards.” kwento ni Dingdong.

“So nasabi ko na parang gusto ko siyang makuha ulit dahil may sentimental value siya sa akin,” dagdag niya.

Katatapos lang din ng huling araw ng taping ng ‘Kubot’, ang movie entry ni Dingdong para sa Metro Manila Film Festival.

Pahayag niya, “Kailangan talaga mabusisi at mahabang panahon ang kailangan para mapaganda lalo ‘yung movie.”

At magkaiba man daw ang pelikula nila ng kanyang fiancée ay hindi nila ito tinuturing na magkaribal.

“’Yung entry niya ay susuportahan ko rin and ganun din naman siya, likewise,” sabi ni Dingdong.