Regine Velasquez-Alcasid

Asia's Songbird | The Philippine's Best-selling Artist of All Time | Judge



“Normally, [sa] mga contest, I'm usually hosting it. So it's my first time to be a judge. It's very exciting for me. The [hopefuls are] all very pretty, matatangkad. So I'm also hoping na matatapatan ng talento nila yung kanilang kagandahan.”

Joey de Leon

Actor | Comedian | Entertainment Guru | Judge



“Ngayong StarStruck na 'to, ang hahanapin ko [ay] kung sino ang malakas ang dating, yun ang pagtutuunan ko ng pansin. Tapos saka natin hanapin kung ano pa puwedeng mabibigay niya. Ano pang talents meron siya, [kung] ano pwede [niya] ibigay as far as entertaining people is concerned.”

Jennylyn Mercado

Season 1 Ultimate Female Survivor | MMFF Best Actress 2014 | Host

"Medyo kinakabahan ako kasi ngayon lang ako magho-host ng isang malaking reality na artista search. So 'yan excited na medyo kinakabahan!"

Dingdong Dantes

Kapuso Primetime King | Youth Advocate | Main host |



“Ang mananalo ngayon [would have] to supersede at higitan five times kung sino man yung una at huling nanalo. Ang dami nang nangyari in between, ang dami ng developments at evolution natin bilang industry, bilang network, at bilang isang programa na StarStruck. So everything really elevates fivefold."

"As a host, gusto ko nasu-surprise rin ako sa kung ano mang ihahanda ng show sa paparating na mga Linggo, so I am looking forward to that."

Megan Young

StarStruck Season 2 Avenger | Miss World 2013 | Co-host



“I think it really helped me out joining StarStruck kasi dati sobrang mahinhin lang ako, sobrang I would always keep to myself and I guess it's part of the baby steps that I took to get to where I am today. It was the beginning, and the starting point is always the most important 'cause where would you be without that beginning?”

Miguel Tanfelix

StarStruck Kids First Prince | Segment Host

“Dumaan ako sa mga challenges na pinagdaanan nila… And syempre, itong StarStruck [season na ito], dito ko ma-wi-witness kung paano talaga ginagawa yung [programa], kasi nung time namin, hindi pa ko masyadong gising, masyadong mulat. Ngayon ko po mawiwitness [lahat].”

Mark Herras

StarStruck Season 1 Ultimate Male Survivor | Segment Host



“Puwede kaming tawagin kapag may problema sila [dahil] ma-wi-witness namin mga [pagdadaanan] nila na pinagdaanan [din] namin way way back… [I’m] so thankful sa StarStruck dahil binigyan nila ko ng opportunity para iba naman yung gawin ko for this batch. Like hindi lang makasama for dance, for acting, kundi pagiging isa sa mga hosts.”

Kris Bernal

StarStruck Season 4 Ultimate Female Survivor | Social Media Correspondent



“It's very overwhelming kasi feel ko nga I was just one of the hopefuls eight years ago and ngayon, ako na yung nagiinterview. When I see someone cry, I get emotional too kasi napagdaanan ko yun eh. Ang pag may masayang masaya naman, ramdam na ramdam ko rin yung saya so I always get affected sa reaction, sa initial reaction ng contestant, ng isang hopeful.”

Rocco Nacino

StarStruck Season 5 Second Prince | Segment Host



“Alam namin yung pinagdaanan nila, yung hirap na ginagawa nila para makasama dito sa batch na 'to, so us being hosts this time is very humbling. Nandito kami not only just to host, pero to be a kuya and ate sa kanila, pag kailangan nila ng tulong. So sabi ko sa sarili ko, if ever they need to bring their hopes up, maaasahan nila na nandun kami para sa kanila.”

Heart Evangelista

Queen of Creative Collaborations | Council

“Nafi-feel ko 'yung pressure kasi nahihirapan akong mag-eliminate, and also, at such a short time, you have to really discover who they are. So 'yun siguro 'yung challenge for me.”

Cherie Gil

Actress par excellence | Council

"Sometimes a beating has to happen if you want to bring out the best in someone you believe in. If I am mataray na to someone, you know that just might be my favorite."

Jose Manalo

Comedy Lodi - Council

“'Di naman kasi lahat ng gustong sumali rito gusto lang mag-acting as a drama actor or actress. I'm sure meron 'din dito papasok na mga komedyante.”

Kyline Alcantara

StarStruck Insider | Online host

"I am really happy because it's an honor na makasali sa Starstruck, and I'm excited sa journey ko as their online host."